Sa news briefing noong ika-6 ng Hunyo, 2017, sa Beijing, ipinahayag ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na nakahanda ang Tsina na magsagawa, kasama ng Britanya at iba pang mga bansa, ng pragmatikong kooperasyon para magbigay-dagok sa cyber na terorismo, at lumikha ng mapayapa, ligtas, bukas, kooperatibo at maayos na cyber space.
Nauna nang nanawagan si Theresa May, Punong Ministro ng Britanya na magsagawa ng pandaigdig na pangangasiwa sa internet para pigilin ang terrorismo at ekstrimismo.
Tungkol dito, sinabi ni Hua na ang Tsina ay isa ring pangunahing biktima ng terorismo sa internet. Laging nagsisikap ang Tsina para mapalalim ang kooperasyong pandaigdig para magbigay-dagok sa terorismo sa internet, aniya pa.
salin:Lele