Sa ika-35 pulong ng UN Human Rights Council, sa ngalan ng mahigit 140 bansa, ipinalabas kahapon, Hunyo 13, ni Ma Zhaoxu, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa Tanggapan ng UN sa Geneva at sa Iba Pang Pandaigdigang Organisasyon sa Switzerland ang isang magkasanib na pahayag na pinamagtang "Magkakasamang Pagsisikap Para Mabawasan ang Kahirapan at Mapasulong ang Karapatang Pantao".
Ipinahayag ni Ma na ang pagbabawas ng kahirapan ay pangunahing paraan para sa pangangalaga sa karapatang pantao. Sa kasalukuyan, nananatiling mahigit 800 milyon ang mahirap na populasyon sa daigdig, at kung paanong mapapahupa at mababawasan ang kahirapan at ibayo pang mapapasulong at mapapangalagaan ang karapatang pantao ay malaking hamong kinakaharap ng buong komunidad ng dagidig.
Iniharap pa ni Ma ang apat na mungkahin sa isyu ng pagbabawas ng kahirapan. Isa, pagpapabilis ng sustenableng pag-unlad; ika-2, pagsasagawa ng komprehensibong hakbangin ng pagbibigay-tulong sa mga mahihirap; ika-3, pagtatatag ng kumpletong social security system; ika-4, pagpapalakas ng kooperasyong pandaigdig sa pagbabawas ng kahirapan.