|
||||||||
|
||
New York, Estados Unidos—Idinaos dito Miyerkules, ika-14 ng Hunyo, 2017, ang High-Level Dialogue on U.S.-China Economic Relations. Mahigit sampung dating mataas na opisyal, kinatawan ng sirkulo ng bahay-kalakal at iskolar na kinabibilangan nina Tung Chee Hwa, Pangalawang Tagapangulo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino o CPPCC, Zhao Qizheng, Dating Direktor ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina, Embahador Cui Tiankai ng Tsina sa Amerika, Kevin Rudd, dating Punong Ministro ng Australia, Michael Bloomberg, dating Mayor ng New York, at iba pa.
Naging nukleong pokus ng nasabing diyalogo ang 100-araw na plano sa kabuhaya't kalakalan ng Tsina at Amerika at Belt and Road Initiative.
Sinabi ni Tom Nagorski, Pangalawang Presidenteng Tagapagpaganap ng Asia Society ng Amerika na intersadong intersado ang sirkulo ng bahay-kalakal ng Amerika sa Belt and Road Initiative, at pinahahalagahan nila kung paanong sasali dito.
Si Michael Bloomberg, dating Mayor ng New York
Sinabi naman ni Michael Bloomberg na ang mga inisyal na bunga ng nabanggit na 100-araw na plano, lalong lalo na, ang pagpapalawak ng pagbubukas ng industriyang pinansyal ng Tsina, ay makakapagpalakas ng relasyong pangkalakalan at komersiyal ng Tsina at Amerika, lilikha ng mas maraming pagkakataon ng hanap-buhay, at makakatulong din sa pagpapababa ng kapital at pagpapataas ng kakayahang kompetetibo ng mga bahay-kalakal ng Amerika.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |