Ipinatalastas kahapon, Sabado, ika-17 ng Hunyo 2017, ni Staffan de Mistura, Espesyal na Sugo ng Pangkalahatang Kalihim ng United Nations (UN) sa Isyu ng Syria, ang plano hinggil sa bagong round ng talastasang pangkapayapaan hinggil sa isyu ng Syria. Ito ay idaraos sa Geneva, sa Hulyo 10, 2017.
Sinabi ni De Mistura, na ang mga may kinalamang resolusyon ng UN Security Council ay mananatiling batayan ng kanyang pag-aanyaya ng mga kalahok sa talastasan. Samantala, ang pagbuo ng pamahalaan ng pambansang pagkakaisa, pagsususog sa Konstitusyon, muling pagdaraos ng pambansang halalan, at paglaban sa terorismo ay patuloy na magiging mga pangunahing paksa ng talastasan.
Salin: Liu Kai