Ruili, lunsod sa Yunnan, Tsina-Ipinahinto kamakailan ng kapulisang Tsino ang account ng mga mangangalakal na Burmese, dahil sa kaso ng gambling. Kaugnay nito, ipinahayag Hunyo 20, 2017 ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na hindi ito makaka-apekto sa normal na kalakalan sa purok-hanggahan ng dalawang panig.
Aniya, nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Myanmar para pahigpitin ang pagpapalitan at koordinasyon, upang pangalagaan ang kaayusan sa purok-hanggahan at interes ng mga mamamayan ng dalawang bansa.