Beijing-Idinaos Hunyo 20, 2017 ang mataas na estratehikong diyalogo ng Tsina at Timog Korea. Dumalo sa pagtitipon sina Pangalawang Ministrong Panlabas Zhang Yesui ng Tsina at kanyang South-Korean counterpart Lim Sung-nam.
Nang araw ring iyon, ipinahayag ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na nagpalitan ng kuru-kuro ang dalawang panig hinggil sa kani-kanilang patakarang panloob at panlabas, bilateral na relasyon ng Tsina at Timog Korea, isyu ng Terminal High Altitude Area Defense (THAAD), situwasyon sa Peninsula ng Korea, at iba pa.
Aniya, sinang-ayunan ng Tsina at Timog Korea na ibayong pahigpitin ang pagpapalitan, at maayos na hawakan ang mga alitan, para panumbalikin ang matatag at malusog na bilateral na pagtutulungan, sa lalong madaling panahon.
Ani Geng, bago idaos ang nasabing diyalogo, kinatagpo si Lim Sung-nam ni Yang Jiechi, Kasangguni ng estado ng Tsina.