Ipinahayag Sabado, Hulyo 1, 2017 ng Ministring Panlabas ng Syria na kulang sa katibayan ang ulat ng Organization for the Prohibition of Chemical Weapons (OPCW) hinggil sa imbestigasyon nito sa insidente ng paggamit ng sandatang kemikal sa Idleb province. Hindi ito niya katanggap-tanggap.
Ayon sa pahayag ng Ministring Panlabas ng Syria, hindi pumunta ang mga tauhan ng OPCW sa lugar na pinangyarihan ng insidente ng paggamit ng sandatang kemikal at ang naturang ulat ay isinagawa batay sa mga materyal na ipinagkaloob ng mga terorista.
Ipinahayag ng nasabing departamento na walang anumang sandatang kemikal ang pamahalaan ng Syria at saka hindi nito kayang gumamit ng sandatang kemikal laban sa anumang panig. Hinimok din ng Syria ang OPCW na isagawa ang isang transparent at reliable na ulat.
Noong ika-4 ng nagdaang Abril, naganap sa isang nayon ng Idleb province ang insidete ng pag-atake na gamit ang sandatang kemikal. Pagkatapos nito, ipinahayag ng panig militar ng Amerika na ginamit ng tropa ng pamahalaan ng Syria ang sandatang kemikal sa nabanggit na pag-atake.