|
||||||||
|
||
Sa isang panayam kamakailan kay Andry Denisov, Embahador ng Rusya sa Tsina, tungkol sa gagawing dalaw-pang-estado ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Rusya, lubos niyang pinapurihan ang pag-unlad ng relasyong Ruso-Sino, at tinukoy niyang malawak ang prospek ng inisyatibang "Belt and Road" at kooperasyon ng konstruksyon ngEurasian Economic Union (EEU).
Sa panayam, ipinahayag muna ni Denisov na sa paanyaya ni Pangulong Vladimir Putin ng Rusya, isasagawa ni Pangulong Xi ang dalaw-pang-estado sa Rusya mula ika-3 hanggang ika-4 ng Hulyo. Itinuturing aniya ng Rusya ang biyaheng ito bilang mahalagang pangyayari sa bilateral na relasyong Ruso-Sino sa taong 2017. Isiniwalat niya na sa panahon ng nasabing biyahe, makakausap ni Putin si Xi, at sasaksihan nila ang paglalagda ng isang serye ng mahalagang dokumentong pulitikal, at kasunduang pangkooperasyon sa pagitan ng mga bahay-kalakal at media ng dalawang bansa.
Bukod dito, binanggit niya ang isang seryeng pangkooperasyon ng dalawang bansa na may malawak na prospek na tulad ng paggagalugad at pagpoproseso ng yaman, konstruksyon ng imprastruktura sa transportasyon, agrikultura at mga produktong agrikultural, at iba pa.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |