Kuala Lumpur, Malaysia—Miyerkules, Hulyo 5, 2017, ipinahayag ni Liow Tiong Lai, Ministro ng Transportasyon ng Malaysia, na may isang palagay ang magkakasanib na grupo ng mga imbestigador mula sa Malaysia, Netherlands, Belgium, Ukraine at Australia, at sang-ayon silang isakdal sa Netherlands ang may kagagawan ng pagbagsak ng eroplanong pampasahero na MH17 ng Malaysia Airlines.
Ani Liow, magiging mapagkakatiwalaan at angkop sa pandaigdigang istandard ang buong proseso ng pagsasakdal. Dahil sumusulong pa rin ang gawain ng imbestigasyong kriminal, ipapasiya ng Pangkalahatang Kawanihan ng Inspeksyon ng Netherlands ang pagsasakdal sa angkop na panahon.
Noong ika-17 ng Hulyo, 2014, habang lumilipad ang Flight MH17 mula Amsterdam, Netherlands patungong Kuala Lumpur, Malaysia, bumagsak ito sa dakong silangan ng Ukraine. Lahat ng 298 pasahero ay nasawi. Mahigit kalahati ng biktima ay mga taga-Netherlands, at 43 ay mga Malaysian.
Salin: Vera