Ipinatalastas kahapon ng Komisyong Panseguridad ng Holland, na ang pinal na ulat tungkol sa pag-imbestiga sa sanhi ng pagbagsak ng Flight MH17 ng Malaysia Airlines, ay isasapubliko sa ika-13 ng darating na Oktubre. Ayon sa komisyong ito, pagkaraang isapubliko ang nasabing ulat, idaraos ang isang closed-door meeting para ipaalam ang resulta ng imbestigasyon sa mga kamag-anakan ng mga biktima.
Ayon sa inisyal na ulat sa sanhi ng pagbagsak ng eroplano na ipinalabas noong Setyembre 2014 ng Komisyong Panseguridad ng Holland, posibleng pinabagsak ang eroplano ng BUK missile. Ito ang nagdulot ng pagkasira ng estruktura ng eroplano at sumabog ito sa himpapawid.
Salin: Li Feng