Isinalaysay ngayong araw, Miyerkules, ika-26 ng Hulyo 2017, ng Pambansang Komisyon sa Pag-unlad at Reporma ng Tsina, na kasunod ng pagbilis ng reporma sa presyo ng mga bilihin sa bansa, buo na sa pangkalahatan, ang mekanismo ng pagpapasiya ng pamilihan sa presyo.
Ayon sa naturang komisyon, noong isang taon, wala pa sa 3% ang proporsyon ng mga bilihin sa pamilihang Tsino, na pinangangasiwaan ng pamahalaan, at ang bilang na ito ay mas mababa ng 2.68 kumpara sa noong 2012. Anito pa, ang presyo ng lahat ng mga produktong agrikultural ay pinagpapasyahan ng pamilihan.
Dagdag pa ng nabanggit na komisyon, sa kasalukuyan, ang mga bilihin kung saan ang presyo ay pinangangasiwaan ng pamahalaan, ay pangunahin na, nasa mga sektor ng imprastruktura at serbisyong pampubliko. Anito, sa susunod, patuloy na isasagawa ng mga may kinalamang departamento ang mga hakbangin, para igarantiya ang mabuti at maliwanag na sistema ng pagpapasiya ng pamahalaan sa presyo, at ilagay ang sistemang ito sa ilalim ng superbisyon ng batas.
Salin: Liu Kai