|
||||||||
|
||
Sa katatapos na China-ASEAN (10 plus 1) Foreign Ministers' Meeting, pinagtibay ng mga ministrong panlabas ng Tsina at iba't-ibang bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), ang Balangkas ng Code of Conduct (COC). Ito ay isang palatandaang sumulong ang isang mahalagang hakbang para marating ng iba't-ibang panig ang COC.
Sa isang panayam kamakailan, ipinahayag ni Wilfrido V. Villacorta, dating Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN, at dating Embahador ng Pilipinas sa ASEAN, na isang pundamental na estruktura ang COC Framework para sa COC, at ito ay isang mahalagang batayan sa COC Talks sa hinaharap. Ito rin aniya ay magsisilbing isang historical contribution ng Tsina at mga bansang ASEAN para sa kapayapaan at katatagang panrehiyon.
Sinabi rin niya na ang pag-apruba sa Balangkas ng COC ay ibinigay na regalo para sa ika-50 anibersaryo ng pagkakatatag ng ASEAN. Aniya, sa isang dako, ipinakikita nito ang pagkakaisa ng ASEAN, at ang determinasyon nitong magpunyagi para sa kapayapaan, kasaganaan, at katatagan ng rehiyon; sa kabilang dako, ang Balangkas ng COC ay narating at pinagtibay sa panahong nanungkulan ang Pilipinas bilang bansang tagapangulo ng ASEAN, kaya ipinagmamalaki at lubos na nagpapasalamat ang Pilipinas tungkol dito, aniya pa.
Nang mabanggit ang relasyong Sino-ASEAN sa hinaharap, sinabi ni Villacorta na sa loob ng darating na limangpung (50) taon, tiyak na ibayong palalakasin ang kooperasyong Sino-ASEAN, at magiging mas maliwanag ang kinabukasan ng relasyong Sino-ASEAN.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |