Nakipagtagpo Martes, Agosto 1, 2017 sa Beijing si Premyer Li Keqiang ng Tsina kay Rick Snyder, Gobernador ng Michigan State ng Amerika.
Sinabi ni Li na ang pagpapalitan at pagtutulungan sa pagitan ng iba't ibang lugar ng Tsina at Amerika ay nakakabuti sa pagpapalawak ng komong kapakanan ng dalawng bansa.
Sinabi naman ni Snyder na umaasa siyang ibayo pang mapapalawak ang kooperasyon sa Tsina sa larangan ng negosyo, pamumuhunan at turismo para makalikha ng mas maraming pagkakataon ng trabaho para sa mga mamamayan ng dalawang bansa.