Beijing-Kinatagpo, Agosto 22, 2017 ni Zhang Dejiang, Tagapangulo ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) sina Wiranto, Coordinating Minister for Political, Legal and Security Affairs at Darmin Nasution, Coordinating Minister for Economic Affairs ng Indonesya.
Ipinahayag ni Zhang na nakahanda ang Tsina na magsikap, kasama ng Indonesya para pasulungin ang komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa, batay sa pagpapatupad sa komong palagay na narating ng mga liderato ng dalawang bansa, pagpapahigpit ng pagpapalitan sa mataas na antas, pagpapabilis ng ugnayan ng estratehiyang pangkaunlaran ng dalawang panig, pagpapalalim ng pragmatikong pagtutulungan sa ibat-ibang larangan, at pagpapatibay ng tradisyonal na pagkakaibigan ng mga mamamayan.
Ipinahayag naman nina Wiranto at Darmin Nasution na pinahahalagahan ng Indonesya ang pakikipagtulungan sa Tsina. Positibo rin anila sila sa mahalagang papel ng Tsina sa mga suliraning panrehiyon at pandaigdig. Nakahanda anila ang Indonesya na magsikap, kasama ng Tsina para palalimin ang pagtutulungan sa larangan ng pulitika, seguridad, at ekonomiya, upang ibayong pasulungin ang bilateral na relasyon ng dalawang bansa.