Beijing-Binuksan Agosto 22, 2017 ang Ika-3 Pulong ng Diyalogong Pangkabuhayan ng Tsina at Indonesya. Magkasama itong pinanguluhan nina Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado ng Tsina at Darmin Nasution, Coordinating Minister for Economic Affairs ng Indonesya. Ang pagtitipong ito ay para tupdin ang komong palagay na narating ng mga liderato, at palalimin ang komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa.
Ipinahayag ni Yang na bilang tradisyonal na mapagkaibigang magkatuwang, inaasahang ibayong palalalimin at palalawakin ng Tsina at Indonesya ang pragmatikong pagtutulungan sa ibat-ibang larangang, gaya ng kalakalan, pamumuhunan, imprastruktura, agrikultura, pinansya, enerhiya at iba pa.
Ipinahayag naman ni Darmin Nasution na nakahanda ang kanyang bansa na magsikap, kasama ng Tsina para palakasin ang bilateral na pagtutulungang pangkabuhayan at pangkalakalan sa mas mataas at malawak na antas.