New York, punong himpilan ng UN—Buong pagkakaisang pinagtigay Lunes, Setyembre 11, 2017 (local time) ng United Nations Security Council (UNSC) ang Resolusyon bilang 2375 para patawan ng bagong sangsyon ang Hilagang Korea (DPRK) dahil sa nuclear test nito noong Setyembre 3. Ipinagdiinan din ng resolusyon ang pangangalaga sa katatagan at kapayapaan ng Korean Peninsula at pananangan sa paglutas ng isyung nuklear ng Korean Peninsula sa mapayapa't diplomatikong paraan.
Ang nasabing resolusyon ay ikatlong katulad na aksyon na ginawa ng UNSC nitong limang linggong nakalipas. Batay sa bagong resolusyon, mababawasan ng mga 30% ang oil supply sa DPRK at ipagbabawal din ang lahat ng textile export nito na nagkakahalaga ng 800 milyong US dollar at ang remittance ng mga Hilagang Koreano na nagtatrabaho sa ibayong dagat.
Mga miyembro ng UNSC habang bumoboto sa resolusyon laban sa H. Korea, sa New York, punong himpilan ng UN, Setp. 11, 2017 (local time) (Xinhua/Li Muzi)
Salin: Jade