|
||||||||
|
||
Ipinahayag ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina na bukas at positibo ang kanyang bansa sa lahat ng pagsisikap na makakatulong sa paglutas sa isyung nuklear ng Korean Peninsula sa mapayapang paraan at pagpapanumbalik ng talastasang pangkapayapaan hinggil dito ng mga may kinalamang panig.
Ito ang ipinahayag ni Hua sa regular na preskon Huwebes, Setyembre 14, 2017 bilang tugon sa mga kinauukulang pahayag mula sa Estados Unidos, Rusya at United Nations (UN) Secretary-General na si Antonio Guterres.
Noong Setyembre 13, sinabi ni Heather Nauert, Tagapagsalita ng Kagawaran ng Estado ng Amerika na ang diplomasiya ay nananatili pa ring pinakapanunguhing pagpili ng kanyang bansa para malutas ang nasabing isyu. Ipinagdiinan naman ni Sergey Lavrov, Ministrong Panlabas ng Rusya na malulutas lamang ang nabanggit na isyu sa paraang pulitikal at diplomatiko. Samantala, ipinaghayag ni Pangkalahatang Kalihim Guterres na ang lahat ng mga may kinalamang panig ay maaaring lumikha ng kondisyon para sa kalutasang diplomatiko at pulitikal sa isyung ito.
Muling iminungkahi ng tagapagsalitang Tsino sa mga may kinalamang panig na isaalang-alang ang "double suspension" proposal at "dual track" approach na iniharap ng Tsina.
Batay sa "double suspension" proposal, kailangang itigil ng Hilagang Korea ang mga aktibidad na nuklear at paglulunsad ng missile samantalang kailangang suspendihin ng Estados Unidos at Timog Korea ang kanilang malawakang pagsasanay militar.
Ang "dual track" approach ay tumutukoy sa magkasabay na pagsasakatuparan ng walang-nuklear na Korean Peninsula at pagtatatag ng mekanismong pangkapayapaan sa Korean Peninsula.
Salin: Jade
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |