Kaugnay ng ulat ng media na hindi tatalikod ang Amerika sa Paris Agreement, sinabi Sabado, ika-16 ng Setyembre, ng White House na hindi babaguhin ng pamahalaan ni Donald Trump ang paninindigan hinggil sa pagtalikod sa Paris Agreement.
Sinabi ng isang pahayag ng White House na tatalikod ang Amerika sa nasabing kasunduan. Kung mas makakabuti sa bansa ang mga tadhana ng kasunduan, muling sasapi dito ang Amerika.
Ayon sa ulat ng media nauna rito, sinabi sa Canada ni Miguel Arias Canete, Commissioner for Climate Action and Energy ng Unyong Europeo (EU), na ipinahayag ng opisyal ng Amerika na hindi tatalikod ang Amerika sa Paris Agreement.
Salin: Vera