|
||||||||
|
||
New York — Tinalakay Huwebes, Setyembre 21, 2017, nina Pangulong Donald Trump ng Amerika, Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon, at Pangulong Moon Jae-in ng Timog Korea.
Ayon sa isang pahayag na ipinalabas ng White House, ipinahayag ng mga lider ng tatlong bansa na ang Hilagang Korea ay nagsisilbing pinakamahigpit na banta sa nasabing tatlong bansa at buong daigdig. Ipinangako nilang gagamitin ang lahat ng kasalukuyang paraan upang mabilis at komprehensibong tupdin ang resolusyon bilang 2375 ng United Nations Security Council (UNSC) na naglalayong magpataw ng sangsyon laban sa Hilagang Korea.
Noong Setyembre 3, 2017, sa kabila ng unibersal na pagtutol ng komunidad ng daigdig, muling isinagawa ng Hilagang Korea ang nuclear test. Noong Setyembre 11, buong pagkakaisang pinagtibay ng UNSC ang resolusyon bilang 2375 kung saan ipinasiyang magsagawa ng bagong sangsyon laban sa Hilagang Korea.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |