Si Embahador Hong Liang ng Tsina sa Myanmar
Nay Pyi Taw, Myanmar-Idinaos Setyembre 27, 2017 ng Embahada ng Tsina sa Myanmar ang resepsyon bilang pagdiriwang sa Ika-68 Pambansang Araw ng Tsina. Dumalo sa pagtitipon sina Embahador Hong Liang ng Tsina at Pangalawang Pangulong Myint Swe ng Myanmar. Ipinahayag ni Hong na nitong limang taong nakalipas sapul ng Ika-18 Pambansang Kongreso ng Partido Kumunista ng Tsina (CPC), malaking tagumpay ang natamo ng Tsina sa pagpapasulong ng kaunlarang panlipunan at pangkabuhayan. Aniya, noong nagdaang limang taon, walang tigil na pinapasulong ang konstruksyon ng CPC, pinapalalim ng pamahalaang Tsino ang reporma sa ibat-ibang larangan, pinapahigpit ang pangangasiwa sa estado sa batas, pinapasulong ang pagtatatag ng ekolohikal na sibilisasyon, pinapalakas ang konstruksyong pandepensa, pinapatibay ang diplomasiyang may katangiang Tsino, at iba pa.
Ani Hong, nananatiling mainam ang relasyong Sino-Myanmese, at nagtamo ng progreso ang pagtutulungan ng dalawang bansa sa ibat-ibang larangan. Positibo aniya ang Tsina sa pakikisangkot ng Myanmar sa konstruksyon ng "Belt and Road Initiative."
Ipinahayag naman ni Myint Swe ang pagbati sa Ika-68 Pambansang Araw ng Tsina. Sinabi niyang sapul ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Myanmar, walang tigil na lumalakas ang tradisyonal na pagkakaibigan ng dalawang bansa, at ibayong humihigpit ang kanilang pagtutulungan sa ibat-ibang larangan. Pinasalamatan aniya ng Myanmar ang suportang ibinibigay ng Tsina sa pagpapasulong ng prosesong pangkapayapaan at kaunlarang pangkabuhayan ng bansa.