Ipinatalastas nitong Biyernes, Hunyo 16, 2017, ni Tagapagsalita Lu Kang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na batay sa pagkakasundong narating ng mga lider ng Tsina at Amerika, idaraos sa Washington D.C. sa Hunyo 21, ang unang Diyalogong Diplomatiko at Panseguridad ng Tsina at Amerika. Magkasamang pangunguluhan nina Yang Jiechi, Kasangguni ng Estado ng Tsina, Rex Tillerson, Kalihim ng Estado, at James Mattis, Kalihim ng Tanggulang Bansa ng Amerika, ang nasabing diyalogo.
Sa diyalogong ito, malalimang magpapalitan ng kuru-kuro ang dalawang panig tungkol sa relasyong Sino-Amerikano at mga mahahalagang isyung kapwa nila pinahahalagahan. Nakahanda ang panig Tsino na magsikap kasama ng panig Amerikano, upang matamo ng diyalogo ang positibong bunga, ani Lu.
Salin: Li Feng