Jakarta, Indonesya-Isang maringal na resepsyon ang idinaos Setyembre 28, 2017 para ipagdiwang ang Ika-68 Pambansang Araw ng Tsina. Dumalo sa pagtitipon ang 1,200 personahe na kinabibilangan nina dating Pangulong Habibi ng Indonesya, Embahador Xu Bu ng Tsina sa ASEAN, Charge D' Affaires Sun Weide ng Embahadang Tsino sa Indonesya, Rini Soemarno, Ministro ng mga Bahay-kalakal na Ari ng Estado ng Indonesya, at mga kinatawan mula sa ibat-ibang sektor.
Sa kanyang talumpati sa pagtitipon, ipinahayag ni Embahador Xu na nitong 50 taong nakalipas sapul ng pagkakatatag ng ASEAN, walang tigil na nagsisikap ang organisasyong ito para pahigpitin ang pagkakaisa ng mga miyembro nito. Aniya, bilang isang mahalagang organisasyong panrehiyon, gumaganap ang ASEAN ng konstruktibong papel sa pagluas sa mga alitang panrehiyon. Ani Xu, ang ASEAN ay nagiging huwaran ng mga organisasyong panrehiyon sa daigdig na binuo ng mga bansang nagkakaiba ang sistemang panlipunan at pamantayang pangkaunlaran.
Ipinahayag din ni Embahador Sun na bilang estratehikong partner ng ASEAN, mabunga ang pakikipagtulungan ng Tsina sa ASEAN. Aniya, nitong ilang taong nakalipas, nananatiling madalas ang pagpapalitan ng mga liderato ng dalawang panig. Ani Sun, nananatiling nangungunang trade partner ng ASEAN ang Tsina sa nakalipas na 8 taon, at naging pangatlong pinakamalaking trade partner naman ng Tsina ang ASEAN sa nakalipas na 6 taon.