Ipinahayag ngayong araw, Lunes, ika-9 ng Oktubre 2017, sa Beijing, ni Tagapagsalita Hua Chunying ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang mainit na pagtanggap ng panig Tsino sa plano ng Pilipinas ng pagpapalabas ng yuan-denominated bonds sa Tsina.
Napag-alamang ipinatalastas kamakailan ng Kagawaran ng Pananalapi ng Pilipinas ang plano hinggil sa pagpapalabas, malamang sa darating na Nobyembre sa Tsina, ng yuan-denominated bonds, na nagkakahalaga ng halos 200 milyong Dolyares.
Kaugnay nito, sinabi ni Hua, na ang planong ito ay makakatulong sa kooperasyon ng Tsina at Pilipinas sa pinansyo at pamumuhunan. Ito rin aniya ay makakabuti sa konstruksyon ng imprastruktura sa Pilipinas, at malalim na pag-unlad ng relasyong Sino-Pilipino.
Salin: Liu Kai