Sa kanyang report sa Ika-19 na Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), na binuksan ngayong umaga, Miyerkules, ika-18 ng Oktubre 2017, sa Beijing, iniharap ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC, ang target na isasakatuparan sa taong 2035 ang lubos na pinabuting kapaligirang ekolohikal ng Tsina.
Para rito aniya, dapat itakda ng Tsina ang mga batas at pakatarang makakatulong sa green production at consumption, at itatag ang sistemang pangkabuhayan na makakabuti sa green, low-carbon, at circular development. Dapat din aniyang palakasin ng Tsina ang pagpigil sa polusyon sa hangin, tubig, at lupa, buong lakas na lutasin ang mga malaking problemang pangkapaligiran, isagawa ang mga proyekto ng pangangalaga at pagpapabuti ng mga mahalagang ecosystem, at pasulungin ang nature reserve system, pangunahin na, sa pamamagitan ng pagtatatag ng mga national park.
Salin: Liu Kai