|
||||||||
|
||
Sa kanyang ulat sa Ika-19 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), ipinagdiinan ngayong araw, Oktubre 18, 2017, ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulo ng bansa, na hanggang taong 2020, dapat mabawasan ang populasyon ng mahihirap sa lahat ng kanayunan ng bansa.
Upang maisakatuparan ang hangaring ito, hihikayatin ng bansa ang lahat ng puwersang panlipunan, at isasagawa ang mga targeted measures para mabigyang-tulong ang mga mahihirap na mamamayan.
Nitong limang taong nakalipas sapul nang Ika-18 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), mahigit 60 milyong mahirap na mamamayan sa Tsina ay napalaya mula karalitaan. Bumaba ng mas mababa sa 4% ang poverty rate ng Tsina mula 10.2%.
Ito ang winika ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC at Pangulo ng bansa, sa seremonya ng pagbubukas ng Ika-19 na Pambansang Kongreso ng CPC.
Mula noong 1986, isinagawa ng Tsina ang malawakang pagbibigay-tulong sa mga mahihirap. Sapul nang pumasok sa kasalukuyang siglo, nababawasan bawat taon ng mahigit anim na milyong mahirap ang populasyon. Partikular na nitong limang taong nakalipas, nabawasan bawat taon ng mahigit 100 milyong mahihirap ang populasyon na natamo ang walang-tulad na bunga.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |