|
||||||||
|
||
Ipinadala kamakailan ng Komite Sentral ng Lao People's Revolutionary Party (LPRP) ang mensahe bilang maringal na pagbati sa pagdaraos ng Ika-19 na Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC).
Anang mensahe, ang nasabing kongreso ay mahalagang pangyayari sa pulitikal na pamumuhay ng CPC. Sa patnubay ng diwa ng Ika-19 na CPC National Congress, tiyak anilang matatamo ng CPC, pamahalaan, at mga mamamayang Tsino ang mas malaking tagumpay sa landas ng sosyalismong may katangiang Tsino.
Sinabi pa ng mensahe na pinahahalagahan ng LPRP, pamahalaan, at mga mamamayang Lao ang tradisyonal na pagkakaibigang Lao-Sino. Patuloy anitong magsisikap ang LPRP kasama ng CPC, pamahalaan, at mga mamamayang Tsino upang mapalalim pa ang komprehensibong estratehikong partnership ng dalawang bansa at kanilang mga mamamayan.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |