Idinaos Oktubre 25, 2017 ang Unang Sesyong Plenaryo ng Ika-19 na Komite Sentral ng CPC, at inihalal sa sesyon ang mga Pirmihang Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng CPC na pinamumunuan ni Pangkalahatang Kalihim Xi Jinping. Pagkatapos, magkasamang kinatagpo ng CPC lider ang mga mamamahayag .
Isinagawa ng CRI ang live coverage hinggil sa nasabing pagtatagpo, sa pamamagitan ng ibat-ibang wikang dayuhan na kinabibilangan ng Thai, sa mga plataporma ng website, Facebook, at iba pa.
Ipinahayag ng mga netizen na nagsisikap ang CPC para mapabuti ang pamumuhay ng mga mamamayang Tsino at mapasulong ang kaunlarang panlipunan at pangkabuhayan ng bansa. Anila, may mayamang karanasan at katalinuan ang mga lider Tsino sa pangangasiwa sa estado. Nananalig anila silang tiyak na magiging mas malakas at masagana ang Tsina sa hinaharap, sa ilalim ng tumpak na pamumuno ng CPC. Anila pa, bilang mahalagang bansa sa kahabaan ng "Belt and Road," umaasa silang lalahok ang mga bansang ASEAN, na kinabibilangan ng Thailand, para isakatuparan ang kanilang magkasamang pag-unlad.