|
||||||||
|
||
Ipinahayag nitong Lunes, Oktubre 30, 2017, ni Cui Tiankai, Embahador ng Tsina sa Amerika, na sa pamamagitan ng gagawing biyahe ni US President Donald Trump sa Tsina sa ngayong Nobyembre, mapapasulong pa ang relasyong Sino-Amerikano.
Winika ito ni Cui sa isang kolektibong panayam sa Embahadang Tsino sa Amerika. Ipinahayag ni Cui na ipininid kamakailan sa Beijing ang Ika-19 na Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC). Si Trump aniya ay unang dayuhang lider na bibiyahe sa Tsina pagkatapos ng nasabing kongreso.
Ani Cui, bilang unang kauna-unahang pagdalaw sa Tsina, ang pinakamahalagang tungkulin ng biyahe sa Trump ay itatakda ang direksyon ng relasyong Sino-Amerikano sa susunod na yugto upang mapasulong ang malusog at matatag na pag-unlad ng relasyong ito at mapalalim ang kanilang kooperasyon.
Dagdag pa ni Cui, ang mga maiinit na isyung tulad ng isyung nuklear ng Korean Peninsula, ay magiging pangunahing temang pag-uusapan ng dalawang panig.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |