Sa kanyang national address sa Pambansang Asembleya, na ginawa ngayong araw, Miyerkules, Nobyembre 1, 2017, inilahad ni Pangulong Moon Jae-in ng Timog Korea ang saligang posisyon ng kanyang pamahalaan sa paglutas sa isyung nuklear, at pagsasakatuparan ng kapayapaan sa Korean Peninsula.
Binigyang-diin ni Moon, na hindi dapat maganap ang armadong sagupaan sa Korean Peninsula, sa anumang kondisyon.
Dagdag pa niya, ang isyung nuklear ay dapat mapayapang lutasin, sa pamamagitan ng diplomatikong paraan. Subalit, binigyang-diin niyang hinding hindi pahihintulutan ng T.Korea ang pagdedebelop ng sandatang nuklear ng Hilagang Korea.
Salin: Liu Kai