Sa pag-uusap sa telepono Huwebes, Oktbre 2, 2017, nina Yang Jiechi, Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), at Kasangguni ng Estado ng Tsina, at Rex Tillerson, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos, malaliman silang nagpalitan ng kuru-kuro tungkol sa iba't-ibang paghahanda sa gagawing state visit ni US President Donald Trump sa Tsina sa susunod na linggo.
Buong pagkakaisang sinang-ayunan ng dalawang panig na palakasin ang pagkokoordinahan at pagtutulungan upang matamo ng biyaheng ito ang mahalagang bunga.
Salin: Li Feng