Manila, Pilipinas-Sa sidelines ng Ika-31 Summit ng ASEAN, nilagdaan Nobyembre 12, 2017 ng pamahalaan ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong(HKSAR) at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang mga kasunduan hinggil sa kalakalan at pamumuhunan. Ang kasunduang ito ay may-kinalaman sa pagtutulungan sa kalakalan ng kargo, kalakalan ng serbisyo, pamumuhunan, kabuhayan, teknolohiya, at iba pa.
Ipinahayag ni Ginoong Edward Yau, Puno ng Kawanihan ng Kaunlarang Komersyal at Pangkabuhayan ng HKSAR, na ito ay makakatulong sa ibayo pang pagpapalakas ng papel ng HKSAR bilang sentro ng kalakalan at pamumuhunan sa rehiyon at daigdig. Ito rin aniya ay magpapatingkad pa sa karakter ng HKSAR sa konstruksyon ng Belt and Road.
Ipinahayag naman ni Ramon Lopez, Kalihim ng Kagawarang Komersyal at Industriyal ng Pilipinas, na ito ay makakatulong sa pagpapalawak sa pamilihan ng mga produkto ng mga bansang ASEAN, magpapabilis sa pagkakaroon ng mga pondong dayuhan ng ASEAN, magbibigay ng mas maraming paghanap-buhay sa ASEAN, at iba pa.