Nagtagpo kahapon ng hapon, Lunes, ika-13 ng Nobyembre, sa Manila, sina Premyer Li Keqiang ng Tsina, at Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon.
Ipinahayag ni Li, na sa kasalukuyan, nagaganap ang mga positibong pagbabago sa relasyong Sino-Hapones, pero umiiral pa rin ang mga sensitibong elemento. Umaasa aniya siyang magkasamang magsisikap ang dalawang panig, para patuloy na pabutuhin ang bilateral na relasyon, at matamo ang bagong progreso. Tinukoy din ni Li, na bilang mahalagang ekonomiya sa rehiyon at daigdig, dapat magkasamang pasulungin ng Tsina at Hapon ang mga talastasan hinggil sa Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP) at Free Trade Area ng Tsina, Hapon, at Timog Korea.
Sinabi naman ni Abe, na kailangang patatagin ang tunguhin ng pagbuti relasyong Hapones-Tsino, at palakasin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa ilalim ng "Belt and Road" Initiative. Ipinahayag din niya ang kahandaang pasulungin ang kooperasyon ng Hapon, Tsina, at T.Korea, at ang talastasan hinggil sa RCEP.
Salin: Liu Kai