|
||||||||
|
||
Sa susunod na taon'y sasalubungin ang ika-15 anibersaryo ng pagkakatatag ng estratehikong partnership ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN). Ipinahayag kamakailan ni Le Luong Minh, Pangkalahatang Kalihim ng ASEAN, na ang ASEAN at Tsina ay mahalagang estratehikong katuwang ng isa't-isa sa rehiyong ito. Aniya, komprehensibong lumalalim ang kooperasyong ASEAN-Sino, at magiging malinaw ang prospek nito.
Ani Le Luong Minh, pormal na idineklara ng ASEAN at Tsina ang pagsisimula ng pagsasanggunian sa balangkas ng "Code of Conduct (COC) in the South China Sea" kung saan umaasa ang dalawang panig na mapapalalim ang pag-uunawaan at pagtitiwalaan upang mapangalagaan ang kapayapaan at katatagan ng South China Sea.
Nang pag-usapan ang prospek ng relasyong ASEAN-Sino, ipinahayag niya na ang ginagawang pagsisikap ng ASEAN at Tsina hinggil sa multilateralism at bukas na komong pangako, ay tiyak na makakapagpasulong sa kanilang kooperasyon sa hinaharap.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |