Idinaos kaninang hapon, Martes, ika-14 ng Nobyembre 2017, sa Manila, ang Ika-12 East Asia Summit (EAS).
Sa kanyang mensaheng pambungad, ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Pilipinas, na sa kasalukuyan, kinakaharap ng Silangang Asya ang mga masalimuot na hamon, at lalong grabe ang mga isyu sa mga aspekto ng imigrasyon, pangangalaga sa kapaligiran, terorismo, at marahas na ekstrimismo. Pero aniya, mayroon ding mga pagkakataon sa rehiyong ito, na dulot ng mabilis na pag-unlad ng teknolohiya, at integrasyon ng kabuhayang panrehiyon.
Ipinalalagay niyang, sa ilalim ng kalagayang ito, ang pagpapasulong ng kooperasyon ay makakatulong sa kapayapaan, katatagan, at kasaganaan ng rehiyong ito. Nananalig aniya siyang, sa pamamagitan ng mekanismo ng EAS, isasakatuparan ang estratehikong diyalogo ng iba't ibang bansa.
Salin: Liu Kai