Ayon sa ulat ng pahayagang "Global New Light Of Myanmar," isasakatuparan ng Yangon Division ang 24-oras na suplay ng koryente sa taong 2018. Hanggang sa panahong iyan, ipagkakaloob ng tatlong power station ang 439 megawatt na karagdagang koryente.
Halos 1190 megawatt ang konsumo ng koryente ng Yangong Division bawat taon, at ito ay katumbas ng kalahati ng kabuuang bolyum ng konsumo ng koryente sa buong bansa. Ang datos na ito ay lumalaki ng halos 15% tuwing taon. Ang pagpasok ng dumaraming bahay-kalakal na may puhunang dayuhan sa Myanmar ay humantong sa pagtaas ng konsumo ng koryente.
Sa kasalukuyan, ang suplay ng koryente sa Yangon Division ay umaasa pangunahing na, sa tatlong power station sa kalunsuran ng Yangon. Ang kakulangan sa thermal power station ay isa sa mga dahilan ng kakulangan sa suplay ng koryente.
Salin: Vera