Makaraang matagumpay na dumalo sa Ika-20 Pulong ng mga Lider ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) (10+1), Ika-20 Pulong ng mga Lider ng ASEAN at Tsina, Hapon, at Timog Korea (10+3), at Ika-12 East Asian Summit (EAS) na ginanap sa Manila, at kasiya-siyang matapos ang opisyal na pagdalaw sa Pilipinas, nakabalik sa Beijing Huwebes ng hapon, Nobyembre 16, 2017, si Premyer Li Keqiang ng Tsina.
Sa panahon ng nasabing serye ng pulong, ipinatalastas ng premyer Tsino ang pormal na pagsisimula ng mga bansang ASEAN at Tsina ng pagsasanggunian sa nilalaman ng "Code of Conduct (COC) in the South China Sea (SCS)." Ito ay malawakang tinatanggap ng mga bansang ASEAN.
Salin: Li Feng