Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Relasyong pang-negosyo ng Pilipinas at Tsina, lalong pinaunlad ng katatapos na pagbisita ni PM Li Keqiang

(GMT+08:00) 2017-11-21 17:51:21       CRI

Glenn G. Penaranda, Commercial Counsellor ng Pilipinas sa Tsina

Beijing, Tsina (Nobyembre 21, 2017)--Sa kanyang panayam sa Serbisyo Filipino, sa sidelines ng 2017 International Industrial Capacity Cooperation Forum (IICCF) at Ika-9 na China Overseas Investment Fair (COIFAIR), ipinahayag ni Glenn G. Penaranda, Commercial Counsellor ng Pilipinas sa Tsina, na ang katatapos na pagbisita ni Premier Li Keqiang sa Pilipinas ay lalo pang nagpasulong sa mga kooperasyong pang-negosyo na nauna nang napagkasunduan ng dalawang bansa.

Ani Penaranda, ang naturang pagbisita ay nagbunga rin ng maraming kasunduang pang-negosyo, at ito'y nagpapakita na malaki pa ang espasyo ng pag-unlad ng relasyong pang-negosyo ng dalawang bansa.

Si Ginoong Penaranda ay kinakapanayam ni Rhio Zablan, reporter ng CRI (larawang kinuha ni Wang Jinghong, Project Specialist ng China Overseas Development Association)

Aniya pa, mula noong nakaraang taon, napakarami nang interes ang ipinakita at ipakikita ng panig Tsino sa paglalagak ng negosyo sa Pilipinas at ito aniya ay suportado ng mga pinakamataas na lider ng Pilipinas at Tsina.

Dagdag ni Penaranda, isa sa mga kasunduan na napirmahan sa pagbisita ni Premier Li Keqiang sa Pilipinas ay ang kasunduan tungkol sa pagdedebelop ng mga parkeng industriyal.

Sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga ito, mas mahihikayat ang maraming pondong dayuhan na maglagak ng salapi sa Pilipinas dahil sa mas magandang kapaligirang pang-negosyo at preperensyal na kondisyon na ibinibigay ng pamahalaang Pilipino.

Ito aniya ay magbibigay ng maraming trabaho sa mga Pilipino.

2017 International Industrial Capacity Forum at Ika-9 na China Overseas Investment Fair

Tsina, Ika-5 pinakamalaking investor sa Pilipinas

Sinabi ni Penaranda, na di-tulad noong mga nakaraang taon, patuloy na lumalaki ang mga investment na Tsino sa Pilipinas.

Aniya, ayon sa pinakahuling datos noong Hunyo ng taong ito, ang Tsina ang siya nang ika-5 pinakamalaking foreign direct investor sa Pilipinas.

Ito ay lumaki ng mahigit 400% kumpara sa gayunding panahon ng nagdaang taon.

Sinabi pa ng nasabing opisyal Pilipino na dahil sa patuloy na pagbuti ng relasyon ng dalawang bansa, at patuloy na pagpapakita ng interes ng mga kompanyang Tsino sa Pilipinas, hindi malayong ang Tsina ang maging pinakamalaking investor ng Pilipinas sa hinaharap.

Ganyan kahalaga ang Tsina, dagdag niya.

Sa ngayon, ang Tsina ang siyang pinakamalaking trade partner ng Pilipinas.

Ilan sa mga exhibitor ng IICCF

2017 IICCF at Ika-9 na COIFAIR, may mahalagang katuturan

Binigyang-diin ni Penaranda, na bagamat nasa panahon na tayo ng Internet at halos lahat ay nagagawa na online, mayroon pa ring mahalagang papel na ginagampanan ang IICCF at COIFAIR.

Sa pamamagitan aniya ng mga ito, nabibigayan ng pagkakataon ang mga may-ari at ehekutibo ng mga negosyo upang personal na magkakilala at personal na makita ang ilang mga produkto at serbisyo.

Ito aniya ay hindi posible sa mga online na plataporma.

Salamat din aniya sa mga platapormang nabanggit, magkakaroon siya ng pagkakataon ngayong taon na makahalubilo ang mga potensyal na partner sa negosyo ng Pilipinas.

Reporter at potograpo: Rhio
Webeditor: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>