Ipinahayag kahapon, Martes, ika-21 ng Nobyembre 2017, ni Lu Kang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang pagtanggap ng panig Tsino sa positibong pakikitungo ng Hapon sa Belt and Road Initiative.
Kamakailan, sinabi ni Ministrong Panlabas Taro Kono ng Hapon, na kung ang Belt and Road Initiative ay magiging bukas, at magagamit ng lahat, makakabuti ito sa kabuhayang pandaigdig.
Kaugnay nito, sinabi ni Lu, na ang Belt and Road Initiative ay isang panlahat na mungkahi, na iniharap ng Tsina, para sa pag-unlad at pagtutulungan ng iba't ibang panig, at mula noong simula, ito ay bukas at inklusibo. Nananalig aniya ang panig Tsino, na sa pamamagitan ng ibayo pang pagpapasulong ng inisyatibang ito, hindi lamang mapapalaki ang espasyo ng pagbubukas at pag-unlad ng Tsina, kundi magdudulot din ito ng mas maraming pagkakataon sa kabuhayang pandaigdig, at pag-unlad ng iba't ibang bansa na kinabibilangan ng Hapon.
Salin: Liu Kai