Manila, Miyerkules, Nobyembre 22, 2017—Idinaos ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce and Industry ang pulong hinggil sa pagpapalita't pagtutulungang pangkabuhaya't pangkalakalan ng Sichuan, Tsina at Pilipinas. Isiniwalat ni BGen. Charito B. Plaza, Director General ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA) na 109 kompanyang Tsino ang pumasok na sa iba't ibang uri ng sonang pangkabuhayan ng Pilipinas.
Isinalaysay ni Plaza na ang nasabing ng mga kompanyang Tsino ay mula sa mga industryang gaya ng electronics, pagyari ng makinarya, metal work, industryang kemikal, latex, kasuutan, information technology, logistics, real estate at iba pa.
Salin: Vera