|
||||||||
|
||
Siem Reap, Kambodya—Linggo, Nobyembre 26, 2017, idinaos dito ang seremonya ng pagtatatag ng Consular Office ng Pasuguan ng Tsina sa Kambodya. Dumalo sa seremonya sina Xiong Bo, Embahador ng Tsina sa nasabing bansa; Liu Zhijie, Direktor ng nasabing Consular Office; Ly Thuch, Kalihim ng Estado ng Kambodya; at Khem Bunsong, Gobernador ng Siem Reap.
Si Xiong Bo, Embahador ng Tsina sa Kambodya
Sinabi ni Xiong Bo na ang pagtatayo ng nasabing consular office ay mahalagang bunga na narating ng dalawang bansa sa panahon ng dalaw-pang-estado ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Kambodya noong 2016. Nagpapakita aniya ito ng lubos na pagpapahalaga ng pamahalaang Tsino sa ibayo pang pagpapaunlad ng relasyong Sino-Kambodyano. Makakapagpasulong din aniya ito sa pakikipagpalitan at pakikipagtulungan ng Tsina sa dakong Hilagang Kanluran ng Kambodya, sa iba't ibang larangang gaya ng kabuhayan, kalakalan, pamumuhunan, turismo, at kooperasyong lokal.
Si Ly Thuch, Kalihim ng Estado ng Kambodya
Sa kanila namang talumpati, kapuwa ipinahayag nina Ly Thuch at Khem Bunsong na ang pagtatayo ng consular office sa Siem Reap ay ibayo pang makakapagpatibay ng pagkakaibigan ng dalawang bansa, at magpapatingkad ng mahalagang papel para sa pagpapasulong ng pagpapalitan ng dalawang bansa sa mga aspektong gaya ng kabuhayan, kalakalan, kultura, at tauhan, at pag-akit ng mga turistang Tsino.
Salin: Vera
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |