Pagkaraan ng kanyang paglahok sa Mataas na Pulong Pandiyalogo ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at mga Partidong Pulitikal ng Daigdig, na ipininid kahapon, Linggo, ika-3 ng Disyembre 2017, sa Beijing, sinabi ni Aquilino Pimentel III, Presidente ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) at Senate President ng Pilipinas, na ang pulong na ito ay magandang pagkakataon para sa pagpapalitan ng karanasan ng iba't ibang partido ng daigdig.
Sinabi ni Pimentel, na sa kasalukuyan, kapwa nagsisikap ang PDP-Laban at CPC para sa paglaban sa korupsyon, at kailangang palakasin ng dalawang partido ang pagpapalitan ng karanasan sa aspektong ito. Umaasa rin aniya siyang ang ganitong pagpapalitan ay sasaklaw sa mga iba pang larangan, at sa gayon, magapasulong ang relasyon ng dalawang partido.
Tinukoy din ni Pimentel, na ang mga karanasan ng CPC sa pagpapaunlad ng kabuhayan at pagbabawas ng kahirapan ay karapat-dapat ding tularan ng panig Pilipino.
Salin: Liu Kai