|
||||||||
|
||
TULAD ng iba't ibang bansa sa Western at Central Pacific, mahalaga ang tuna para sa Pilipinas. Ito ang sinabi ni Agriculture Secretary Emmanuel Pinol sa kanyang talumpati sa pagbubukas ng ika-14 na regular session ng Western and Central Pacific Fisheries Commission sa Philippine International Convention Center.
Umabot sa 1.5 percent ng Gross Domestic Product ng Pilipinas ang nagmula sa pangisdaan sa kasalukuyang halaga nito. Ang tuna ang nangungunang export commodity na umabot sa 104,984 metric tons para sa mga sariwa, elado, may yelo, tinapa, tuyong isda at de lata na nagkakahalaga ng US$ 296 milyon.
TUNA MAHALAGA SA PILIPINAS AT SA IBA'T IBANG BANSA. Sinabi ni Agriculture Secretary Emmanuel Pinol na mahalaga ang tuna sa ekonomiya ng bansa sapagkat umaabot sa US$ 296 milyon ang kalakal ng tuna sa bawat taon. Bahagi ito ng kanyang talumpati sa pagbubukas ng 14th Regular Session ng Western and Central Pacific Fisheries Commission na nagpupulong sa Maynila ngayon.
Suportado rin ng Pilipinas ang mga programa ng fisheries commission tulad ng pagtatala ng mga huling isda. Ang mga memorandum ng fisheries commission ay suportado ng mga kautusang mula sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, isang tanggapang saklaw ng Department of Agriculture.
Idineklara na rin ng Pilipinas ang Philippine Rise bilang isang Protected Food Supply Exclusive Economic Zone sa lawak na 24.4 milyong ektarya na dinaraanan ng iba't ibang isda, tulad ng blue fin tuna.
Dumadalo sa pagpupulong ang may 26 na kasaping bansa, pitong participating territories at pitong cooperating non-members mula sa Western and Central Pacific Region. Magtatapos ang pulong sa darating na Huwebes.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |