Ayon sa estadistikang ipinalabas ngayong araw, Biyernes, ika-8 ng Disyembre 2017, ng Pangkalahatang Administrasyon ng Adwana ng Tsina, nitong nakalipas na 11 buwan ng taong ito, umabot sa mahigit 25 trilyong yuan RMB ang kabuuang halaga ng kalakalang panlabas ng Tsina, at ang bilang na ito ay lumaki ng 15.6% kumpara sa gayun ding panahon ng nagdaang taon.
Kabilang dito, lumaki ng 11.6% ang halaga ng pag-aangkat ng Tsina, at lumaki naman ng 20.9% ang halaga ng pagluluwas. Kapwa ang bilang na ito ay lumampas sa naunang pagtaya.
Ayon sa mga ekonomista mula sa Ministri ng Komersyo ng Tsina, ang naturang paglaki ay resulta ng pagbangon ng kabuhayang pandaigdig. Tinaya rin nilang, maisasakatuparan ang matatag na paglaki ng kalakalang panlabas ng Tsina sa buong taong ito.
Salin: Liu Kai