Ayon sa datos na inilabas Huwebes, Hulyo 13, 2017 ng Pambansang Adwana ng Tsina, noong unang hati ng taong 2017, ang kabuuang bolyum ng kalakalang panlabas ng bansa ay umabot sa 13.14 trilyong Yuan RMB o mahigit 1.9 trilyong US Dollars.
Ang bilang ito ay lumaki ng 19.6% kumpara sa gayun ding panahon ng taong 2016. Ito rin ay nagpapakitang nananatiling matatag ang kalakalang panlabas ng Tsina.
Ayon din sa pagtaya ng nasabing departamento, mananatili rin ang paglaki ng bolyum ng kalakalang panlabas ng Tsina.
Sa hinaharap, mas maraming larangan ang itatampok ng Tsina na gaya ng teknolohiya, kalidad, tatak at serbisyo para pataasin ang kalidad at episyensya ng kalakalang panlabas at pasulungin ang malusog at sustenableng pag-unlad ng kalakalang panlabas.