Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Federalism, mahalaga para sa Pilipinas

(GMT+08:00) 2017-12-11 19:00:33       CRI

NANINDIGAN si dating Senate President Aquilino Q. Pimentel, Jr. na mahalaga para sa Pilipinas ang pagkakaroon ng Federal System of Government upang magkaroon ng angkop na kinatawan at tinig ang mga mamamayan sa pamahalaan.

Sa idinaos na "Tapatan sa Aristocrat," sinabi ni G. Pimentel na nagdiriwang ng kanyang ika-84 na kaarawan ngayon, na ang Local Government Code of the Philippines na nagbigay ng angkop na poder sa mga pamahalaang lokal ay mayroong probisyon na kailangang mapagbalik-aralan sa bawat limang taon upang makatugon sa mga pangangailangan ng bayan.

Wala umanong naganap na anumang pagbabalik-aral.

WALANG ORAS SA KONGRESO HINGGIL SA FEDERALISM.  Sinabi ni Anakpawis Congressman Ariel Casilao, ikalawa mula sa kaliwa, na kakapusin  ng oras ang Kongreso upang maipasa ang panukalang batas hinggil sa Federalism.  Magtatapos para sa Christmas Break ang session sa Miyerkoles.  Na sa larawan din si dating Senate Pres. Aquilino Q> Pimentel, Jr. (dulong kaliwa), dating Quezon City Congressman Dante V. Liban at bahagyang natakpan su Atty. Michael Henry Yusingco ng Ateneo School of Government.  (Melo M. Acuna)

Sa panig ni Anakpawis Party List Congressman Ariel B. Casilao, posibleng makapasa sa Mababang Kapulungan ang pagkakaroon ng isang constituent assembly sa pagsasama ng Kongreso at Senado sa pagbabago ng ilang probisyon ng Saligang Batas ng bansa. Bagama't pinag-uusapan na sa mga komite ang Federalism, lumalabas na kakapusin sa oras ang Kongreso sapagkat magtatapos na ang sesyon sa darating na Miyerkoles, ika-13 ng Disyembre para sa Christmas Break. Abala pa rin ang Kongreso sa mga pagsisiyasat ng iba't ibang usapin.

Idinagdag naman ni dating Quezon City Congressman Dante Ventura Liban na mas pabor siya sa pagpapatupad ng halalan para sa mga magiging delegado sa Constitutional Convention sa halip na dumaan sa constituent assembly sapagkat ito ang ipinangako ni dating Davao City Mayor Rodrigo Duterte. Sa pangakong Federalismo maraming mga Filipino ang naniwalang makakamtan ang tunay na pagbabago.

Sa panig ni Atty. Michael Henry Yusingco ng Ateneo School of Government, dapat lamang pag-usapan ang isyu ng Federalism sapagkat napapahon ito upang matugunan ang mga problemang kinakaharap ng bansa at mamamayan.

Isang aklat na binuo ng mga dalubhasa sa larangan ng politika ang ilulunsad sa darating na Huwebes. Pinamagatang Debate on "Federal Philippines: A Citizen's Handbook" sa isang pagtitipong katatampukan ng mga propesor at dalubhasa sa larangan ng lipunan.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>