Sa sideline ng Ikatlong Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Lancang-Mekong Cooperation (LMC), na idinaos ngayong araw, Biyernes, ika-15 ng Disyembre 2017, sa Dali, lunsod ng lalawigang Yunnan sa timog kanluran ng Tsina, nagtagpo sina Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at Ministrong Panlabas Pham Binh Minh ng Biyetnam.
Kapwa ipinahayag ng dalawang ministro, na ang pagdalaw ng mga lider ng estado at partido ng Tsina at Biyetnam sa isa't isa bansa sa loob ng taong ito ay nagpapakita ng kahalagahan ng relasyon ng dalawang bansa. Umaasa anila silang patuloy na palalakasin ng Tsina at Biyetnam ang pag-uugnayan, palalalimin ang pagtitiwalaan, pasusulungin ang pagtutulungan, at maayos na kokontrulin ang mga pagkakaiba.
Sinabi rin nilang, bilang plataporma para sa subrehiyonal na kooperasyon, nagdulot na ang LMC ng aktuwal na benepisyo sa mga kalahok na bansa at kani-kanilang mga mamamayan. Ipinahayag nila ang kahandaang palakasin ang kooperasyon sa ilalim ng LMC, at pasulungin ang mekanismong ito.
Salin: Liu Kai