Sa sideline ng Ikatlong Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Lancang-Mekong Cooperation (LMC), na idinaos kahapon, Biyernes, ika-15 ng Disyembre 2017, sa Dali, lunsod ng lalawigang Yunnan sa timog kanluran ng Tsina, nagtagpo sina Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at Ministrong Panlabas Kyaw Tint ng Myanmar.
Positibo si Wang sa komprehensibong pag-unlad ng relasyon ng Tsina at Myanmar. Umaasa aniya siyang pananatilihin ng dalawang bansa ang pagpapalagayan sa mataas na antas, palalalimin ang pragmatikong kooperasyon, at palalakasin ang koordinasyon sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig. Ipinahayag din niyang mabunga ang kasalukuyang pulong hinggil sa LMC, at ito ay muling nagpapakita ng kompiyansa ng 6 na kalahok na bansa sa pag-unlad ng mekanismong ito.
Ipinahayag naman ni Kyaw Tint ang kasiyahan ng kanyang bansa sa pag-unlad ng relasyon ng Myanmar at Tsina. Dagdag niya, patuloy na kakatig at aktibong lalahok ang Myanmar sa LMC.
Salin: Liu Kai