Sa sideline ng Ikatlong Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng Lancang-Mekong Cooperation (LMC), na idinaos kahapon, Biyernes, ika-15 ng Disyembre 2017, sa Dali, lunsod ng lalawigang Yunnan sa timog kanluran ng Tsina, nagtagpo sina Ministrong Panlabas Wang Yi ng Tsina at Ministrong Panlabas Saleumxay Kommasith ng Laos.
Binigyan ng dalawang ministro ng mataas na pagtasa ang pagdalaw noong isang buwan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Laos. Ito anila ay ibayo pang nagpasulong sa relasyon at kooperasyon ng dalawang bansa.
Positibo rin sila sa mga natamong bunga ng LMC. Ipinahayag nila ang kahandaang magkasamang pasulungin sa bagong antas ang mekanismong ito.
Salin: Liu Kai