Natapos kamakalawa ng gabi, Linggo, ika-24 ng Disyembre 2017, sa Pakse, lunsod sa katimugan ng Laos, ang pagtatanghal ng mga pelikulang Tsino.
Sa pagtataguyod ng Embahada ng Tsina sa Laos, Ministri ng Inpormasyon, Kultura at Turismo ng Laos, at China Radio International, tumagal ng halos isang buwan ang naturang aktibidad. Naitanghal sa 8 lunsod ng Laos ang dalawang pelikulang Tsino, na Wolf Totem at Go Away Mr. Tumour. Libreng napanood ang mga ito ng mahigit 5 libong mamamayang Lao.
Salin: Liu Kai