|
||||||||
|
||
Ayon sa unang pulong ng Komisyong Tagapatnubay ng United Nations Global Geospatial Information Management (UN-GGIM) na idinaos sa Beijing Disyembre 25, 2017, gaganapin sa Deqing, probinsyang Zhejiang ng Tsina, ang unang UN-GGIM Conference sa Nobyembre, 2018.
Ipinahayag ni Pangalawang Pangkalahatang Kalihim Liu Zhenmin ng UN, na ididispley at ipapakita sa nasabing pulong ang pinakahuling progresong natamo sa larangan ng global geospatial information, at tatalakayin ang tungkol sa tunguhin ng pag-unlad ng usaping ito sa hinaharap. Bukod dito, ihaharap aniya sa pulong ang mungkahi hinggil sa magkakasamang pagharap ng iba't-ibang bansa at buong mundo sa mga hamon.
Ang naturang pulong ay idaraos sa pagtataguyod ng United Nations Committee of Experts on Global Geospatial Information Management, subcommittee ng UN Economic and Social Council (ECOSOC).
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |